ON PIOLO PASCUAL. Samantala, hindi naman nagawang ipakuwento ng entertainment press kung ano ang naging eksaktong tagpo nang magkita at magkabati ang boyfriend ni Juday na si Ryan at ang dating ka-loveteam ng aktres na si Piolo Pascual during the wake of Maja Salvador's father, Ross Rival, on November 19.
Ayon kay Juday, "Hindi ako magsasalita ng anumang detalye. Kasi respeto ko na sa kanilang dalawa yon. Kung anuman ang lumabas, e, sila na lang dalawa ang tanungin n'yo. Kasi wala ako sa posisyon na magsalita tungkol doon."
Pero nagkaayos at bati na nga ba silang lahat?
"Well, nagkausap-usap na...okay na...bati na. Wala nang dapat na intrigahin pa. Kumbaga, natapos na ang chapter na yon ng mga buhay namin at nag-move on na kami na pare-pareho," sabi niya.
Masaya ba siya na nagkausap na at nagkabati na ang dalawa?
"Oo naman," sagot niya. "At least, may peace kang nararamdaman and at peace ka sa isang parte ng buhay mo, di ba? Na sana, sa mga fans na nagbigay ng hindi magandang remark sa mga nangyari ay tigilan na rin nila para matapos na."
Tinanong ng PEP si Juday kung posible rin ba na kasunod ng pagkakaayos nila ni Piolo ay ang posibilidad na magkasama silang muli sa isang project.
"Huwag na muna...huwag na muna. Baka mabigyan na naman ng hindi magandang ano...mas mabuti na huwag na lang muna," pahayag niya.
Hanggang kailan kaya yung "huwag na muna"?
"Matagal...matagal...basta, huwag na muna... Malalagyan kasi ng ibang kulay kapag nagtrabaho agad. Sasabihin, Ah, nagbati kasi gustong gumawa ng movie. Ah kasi, nagpo-promote ng kanya-kanyang projects.' Mas mabuti na sa pagkahaba-haba ng mga panahong nagdaan... Imposible, not in the next five years," maigting niyang sabi.
After the time na nagkita at nagkaayos daw sina Piolo at Ryan, wala na rin naman daw silang communication after that.
"Yun na yon, okay na yon, tama na. Let's put an end to this," giit ni Juday.
Dahil sa sinabi nga niyang not in the next five years, puwedeng ang kasunod nito ay disappointment sa part ng mga fans nilang dalawa ni Piolo na naghihintay rin na mapanood silang muli. Ano ang mensahe niya para sa mga fans nila ni Piolo?
"Respetuhin na lang nila," pakiusap ni Juday. "Kasi kung talagang nirerespeto nila kami bilang mga artista, kung anuman ang maging desisyon namin, makakabuti yon para sa amin. Hindi sa kung ano pa man, pero ang usapan kasi ngayon, hindi na sa paghahanap ng trabaho at pera na ibabayad sa yo bilang artista, much more ang peacefulness mo bilang isang tao talaga. Eto ang desisyon ko, ayoko muna ng magulong buhay, parang tama na muna. Sana maintindihan n'yo. Kung hindi n'yo maintindihan, pasensiya na."
Bakit parang mawawalan siya ng peacefulness kung magkakasama silang muli ni Piolo sa isang project?
"Hindi naman, pero ang mga utak kasi ng mga tao ngayon, malisyoso ba na, Ah kasi, palaos na kaya gagawa ng pelikula.' Yung ganoon. Ayoko ng ganoon. Kung gagawa man siguro kami, kapag matandang-matanda na kami. Kapag may apo na siguro kami," nakakagulat na pahayag ng aktres.
Pero biglang kumambiyo si Juday at sinabing hindi naman daw siya nagsasalita ng patapos na talagang hindi na nga sila pupuwedeng magsama ni Piolo. Basta ang sa kanya lang daw, "huwag na muna."
"Huwag ipilit, huwag i-pressure," sabi niya. "Yung nangyari namang pag-uusap, hindi pinilit, hindi plinano. Kusa siyang nangyari. Kumbaga, huwag nang ipilit ang isang bagay kung hindi talaga dapat.
"Kung nega man ang dating sa iba, pasensiya na...pasensiya na po. Ako kasi, nandoon ako sa buhay na payapa. I'm sure, ganoon din si Piolo, di ba? I'm sure, ayaw niya rin na magulong usapan. Kasi hindi na naman kami batang magka-loveteam na puwedeng isyuhan nang isyuhan. Kumbaga, kung hindi nila ma-accept na yon ang reality, na yon ang desisyon ko, e, pasensiya na po.
"Ano lang naman, hindi naman ako nagpapaka-plastic at ayoko lang magpaka-ipokrito at magpaka-showbiz sa panahong ito. Magti-treinta na ako at ayoko naman ng magpaka-showbiz pa. Tapusin na natin yung ganoong isyu," mariin niyang pahayag.
Sa huli, tinanong ng PEP si Juday kung after ba ng pag-uusap nina Piolo at Ryan, ay nagawa siyang personal na imbitahan ni Piolo para sa 10th year anniversary concert nito sa Araneta Coliseum mamayang gabi.
"No," mabilis niyang tugon. "Maybe because he also knows na hindi rin... Kasi, basta yun ang usapan, huwag muna. Para hindi rin nga isipin ng mga tao na nagkabati dahil may concert siya, may movie kami. It just happened, e, nangyari lang yon.
"Wala namang nagsabi na magkita kayo, mag-usap kayo...it just happened. Hindi namin gagawing rason ang pag-uusap para lang mag-promote ng isang project. Basta mag-move on na...tapos na yon. Parang may isang chapter sa buhay namin na nagsara na. So, let's leave it like that," pagtatapos niya. - Philippine Entertainment Portal
LINK